September 2010
M T W T F S S
« Jan    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Monthly Archives

Who am i?

Nobody knows me even myself.

I am just as i am.

 

Recent Photo

Message Board

disclosing:

hi everyone.. dont forget to leave a comment! :)

Leave a message ▼
i am not who they think i am.
am not who i am or who i want myself to be.
am stranger to myself.


i’m not moving… ON!

January 28, 2009

Ilang beses mo ng sinasabing mag-MOMOVE ON ka na. Teka, nagawa mo na nga ba?

Ilang beses ko ng narinig mula sa bibig mo, “Last na to, hindi ko na hahayaang gawin pa niya ito sa akin… hindi na ako magpapakaTANGA!”

Pero, isang text lang, kinamusta ka lang, o di kaya nag-HI lang sa’yo… pinansin mo na ulit. Lalo pa’t nagsorry siya sayo at pagkatapos ay nilambing ka ng husto.

Teka nga ulit,

Ilang beses na ba siyang nag-sorry sa’yo? Bilang mo pa ba? Tsk. Tsk. Tsk. Ang malala pa diyan, may pinagbago ba siya?

Sabagay, sa dinami dami ng ginawa niya para saktan ka.. hawakan ka lang sa kamay, tinitigan ka lang, nakaramdam ka lang ng kuryente, napawi na lahat ng sakit.

So, paano ka makaka-MOVE ON?

Ah.. oo nga pala, sabi mo, ang mabuting gawin ay ang lumayo, wag magparamdam. “Hindi ko na siya itetext, buburahin ko na siya sa phonebook ko, iiwasan ko na siya at hindi na magpapakita.”

Aba napabilib mo ako, dumaan ang araw at nagawa mong lahat ng pinangako mo.. Ngunit, bago pa man matapos ang araw.. Nagtext ang GAGO.

Matagal mong tinitigan ang text niya. Kahit burado pa siya sa phonebook mo, kabisado mo kung paano siya magtext, at higit sa lahat kabisado mo pa din ang cellphone number nya. 

Binasa mo paulit ulit ang text niya, “Musta…?”. Sinusubukan mong alamin ang dahilan ng pagtetext niya sa pamamagitan ng isang salitang tinext niya. Naglalaro sa isip mo, “Shyet, hindi niya ako matiis, namiss nya ako, kinakamusta ako… mahal pa din niya ako.” 

Nakakatawa ka. “Musta…?” lang sinabi niya, ikaw naman ang dami mo ng inisip.

Isang oras ang lumipas, nakatitig ka pa rin sa cellphone mo. 

Ilang minuto pa… message sent. Ayun, nagreply ka din.

Hanggang sa nakita mo ang sarili mo na gumagawa na naman ng mga bagay para sa kanya ng walang kapalit… kahit walang kapalit na pagmamahal.

Masaktan ka man.. masaya ka pa din.

Ewan ko ba sa’yo.. mas masaya ka pa yata na nasasaktan. Kahit meron namang ibang tao dyan na hindi ka kayang saktan kailanman. Kahit mayroong taong handang suklian ang pagmamahal na ibibigay mo.

Hinding-hindi ka na yata mag-momove on. 

Hindi na rin ako aasa… 

Hindi na rin ako aasa na makakapag-ON ako sa’yo.

Posted by disclosing at 1:20 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment